WINASAK NA SALITA

Winasak Na Salita

Sa bilyong taong nabubuhay dito sa napakalaki at napakalawak na mundo, ilang tao na kaya ang nabiktima ng linyang “Peksman, mamatay man?” o kaya ng “Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.” O ng “Itatayo kita ng napakataas na bahay sakaling maging tayo.” Sus, grades mo nga hindi mo makuhang pataasin, bahay pa kaya? Alam ko na alam mo na mayroon pa rin talagang mga taong naniniwalang kayang mapagdikit ang Neptune at Mars o kaya nama’y  maibalik ang planetang si Pluto. Marami pa rin talagang mga taong madaling maniwala sa kung anong namumulaklak na salita na sinasabi ng isang tao lalo na kung ang taong ito ay ang higit na malapit sa kanya o ang mismong pinagkakatiwalaan niya. Napakamakapangyarihan  ng mga salita. Kaya nitong manghikayat, magpasaya/magpatawa, magpalungkot, mangsira at higit sa lahat, magpabago ng paniniwala ng isang tao.
Lahat naman siguro tayo ay napangakuan na, maaaring ang ilan sa mga ito ay natupad na, ang ilan naman ay hindi o kaya’y hindi pa. Sa mga taong nagsasabing hindi pa, umaasa pa rin ba yang naghihintay mong puso o kaya’y pilit na pinapaniwala niyang makitid mong utak na baka isang araw o sa makalawa o sa susunod baka sakaling gawin niya na? Mahirap hintaying mapuno ang butas na tabo, mahirap tumuyo ang sinampay kapag umuulan. Sa madaling salita, mahirap ang umasa at mahirap ding sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung mangyayari talaga. Lalo pa kung umaasa kang gagawin ito ng taong minsan nang winasak ang salitang binitawan niya sayo.
Napakaraming sitwasyon ang maaaring iugnay dito. Siguro nasabihan ka na ng isa sa klasmeyt mo na “gagawan ka ng assignment o kaya’y papakopyahin ka sa pagsusulit basta pakopyahin mo muna siya. Pero pagdating ng araw, makikita mo na lang siyang parang pagong na pilit na nagtatago at pawang binabalot ang sarili dahil ayaw niyang ibahagi ang kahit isang letra o numero ng sagot niya.” Maaari ring sinabihan ka ng nililigawan mo na “Pasensya na, pero sabi kasi ni Nanay na bawal pa akong magpaligaw,” pero makalipas ang isang araw o mahigit, ayon at sumama na siya sa taong halos pagmamay-ari na ang buong mundo dahil sa magagarang sasakyang dala niya at nagniningningang mamahaling palamuti na bumabalot sa kanyang katawan, ngunit parang binagsakan naman ng langit at lupa ang pagmumukha. Nakakatawa ring pagmasdan ang mga bagong magkasintahan na halos hindi na mapaghiwalay dahil sa parang linta kung magdikit ang dalawa. May mga pagkakataon naman na parang aso at pusa kung mag-away, at minsan rin ay abot langit ang tuwa dahil sa kung anong mga paru-paro ang kumikiliti sa kanilang tiyan. Pero kapag lumipas na ang ilang buwan, halos mag-iwasan ang dalawa sa tuwing magkakasalubong. Walang pagbuka ng bibig at paggalaw ng mata ang makikita sa kanila. Aakalain mo na lamang na hindi talaga sila magkakilala at kailanma’y hindi nagtagpo ang kanilang mundo. Ang saklap hindi ba? Pero palagay ko, wala na yatang mas sasaklap pa sa salitang “Pangako.”
May taong minsan na ring nagbitaw sa akin ng salitang “Ikaw lang.” Hindi ko maipagkakaila ang katotohanang unti-unting gumuguhit sa labi ko ang ngiti sa tuwing maririnig kong sinasambit niya ang mga salitang iyan. Naniwala ako. Naniwala ako sa kanya dahil nakita ko rin sa nangungusap niyang mata na totoo ang sinasabi niya. Pinaniwalaan ko ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Ngunit sadyang napakamapagbiro ng tadhana. Ilang taon ang nakalipas, natuklasan at nakita mismo ng aking mata kung paano niya bigyang tunog ang bawat tawa niya sa tuwing kasama niya ang taong iyon.  Nasaksihan ko rin ang saya sa kanilang dalawa na minsa’y kami ang nakaramdam noon. Parang may kung anong karayum ang pilit na tumutusok sa loob-loob ko kapag nailalarawan ko sa aking isipan kung paano niya sinasabi sa akin ang salitang “Ikaw lang.” Ang hirap isipin na ang taong dating nagsasabi sayo nito ay ngayo’y pinapaniwala at pinaparamdam na iyon sa iba. Hindi ko makakalimutan ang araw na ipinagtapat niya sa akin ang lahat. Unti-unting nangingilid ang luha ko ng mga pagkakataong iyon habang hinihingi niya ang kapatawaran ko. Hindi ko na mabilang kung ilang salita na ba ang nagamit niya ngunit dalawang salita lamang ang naisauli ko “Okay lang.” Iyon ang dalawang salita na magpapaniwala sa kanya na tapos na. Dito ko napagtanto na hindi lang pala ang salitang winasak niya ang siyang wawasak sa akin kundi pati na rin ang salitang binitawan ko.
Totoong napakamakapangyarihan ng mga salita dahil kayang-kaya nitong magkontrol sa kung anong dapat na maramdaman ng isang tao. Siguro napakadali lamang sa isang tao na magbitaw ngunit napakalaki ng impak nito sa taong nasabihan. Hindi biro ang bawat salitang binibitawan dahil hindi lamang pagbabago sa nararamdaman ng isang tao ang maaaring maging dulot nito bagkus maaari rin nitong sirain ang ilang ulit ng pinukpok na pako upang lalong tumibay gaya lamang ng relasyong hindi pa naghihiwalay. Sa kabilang banda, maaari rin nitong tapalan ang nagdurugong sugat para madaling humilom. Maaari nitong maibalik ang dating nasira. Nasa sa atin lamang kung paano natin iingatan ang bibitawan nating salita.

SIDE BY SIDE

SIDE BY SIDE

Usapan ng dating magkasintahan na pinipilit  na magkaayos pero deep in their heart, there’s a lil’ bit of awkwardness.

Boy: Hi

Girl: Hello

Boy: Chitchat?

Girl: Okay. Topic?

Boy: Kayo bang mga babae, pano niyo masasabing siya na yong lalaking mamahalin niyo?

Girl: I don’t know. What about you boys?

Boy: Kapag nararamdaman namin na siya na talaga. Hindi ko rin kayang ipaliwanag eh. Haha.

Girl: Ganon ba? Ang swerte niyong mga lalaki kasi kung gusto niyo ang isang tao, kayang-kaya niyo itong lapitan. Kaya niyong makuha ang oo niya, samantalang kaming mga babae maghihintay lang.

Boy: Yes. We can say that. But not all. May mga lalaki pa rin kasing torpe.

Girl: Oh yes. Natatawa nga ako on the fact na kapag torpe ang isang tao aasarin ito ng mga kaibigan niya at idi-dare kahit naman yong nagdi-dare eh torpe din.

Boy: Hahaha. Ganun talaga kami.

Girl: Kami namang mga babae, kapag gusto namin ang isang tao magkukunwaring makikipagkaibigan. Makikipagclose. Kaechosan di ba? 

Boy: Ewan. Haha. Alam mo, kapag nagseselos kaming mga lalaki para bang gusto naming manuntok. Nakakapanggigil.

Girl: Kami naman, ipagtutulakan pa namin niyan sainyo kahit sa loob-loob namin gusto na naming isumpa ang pinagseselosan namin.

Boy: Alam mo, ang laki ng pinagbago mo.

Girl: …

Boy: Sige, topic na nga lang ulit. Ano ba puwede?

Girl: Tanong ko lang, bakit ganyan kayong mga lalaki? Bakit hindi niyo kayang magpakatotoo? Para bang puro kayo mga pambobola.

Boy: Huwag mo namang lahatin, may mga lalaki pa ring kayang magpakatotoo. 

Girl: Talaga? Sino-sino ba yan? Haha.

Boy: Ako siguro.

Girl: Wala pa akong nakikilalang lalaki na nagpakatotoo. Siguro lahat na talaga kayo ganyan no?

Boy: Hindi rin.

Girl: Sa tingin ko oo. Ang dami ko ngang kilala na manloloko. Ang hilig hilig niyong

makipaglandian. 

Boy: Alam mo, yan ang problema sainyong mga babae, ang bilis niyong manghinala. Ang bilis niyong magduda. Konti-konti lang na mga sabi-sabi ng iba, maniniwala na kayo. Bakit di niyo muna alamin yong totoo?

Girl: Hahaha. Yong totoo? Bakit may dapat pa bang alamin? Nararamdaman namin kung may mga kalokohang nangyayari sainyo! Huwag niyo kaming gawing tanga.

Boy: You always double the meaning kasi na kahit hindi naman talaga ganon intensiyon namin binibigyan niyo ng ibang kahulugan.

Girl: We are just overanalyzing what you boys are doing! 

Boy: Nagmahal pa kayo kung hindi niyo naman kayang magtiwala.

Girl: Nagmahal pa kayo kung maglalandi lang din naman kayo. Kahit minsan, maging stick to one naman kayo.

Boy: We are doing. Magtiwala naman kayo.

Girl: Tiwala ba kamo? Yan ang pinakaunang bagay na ibinibigay namin sainyo pero ano? Nagagawa niyo pa rin ‘tong sirain.

Boy: Meron tayong tinatawag na second chance! Huwag niyo namang ipagkait. Hindi lahat ng inaakala niyong lalaki ay ganon! May nagbabago at may pinipilit na magbago! Kailan ba kayo maniniwala samin?

Girl: Langyang second chance yan! Sa tingin ko higit pa sa second ang naibibigay namin sainyo! Nawawalan na ng meaning yang sorry niyo.

Boy: Okay. Kung hindi niyo kayang ibigay, please naman. Kung makikipagbreak kayo, huwag niyo kaming sisihin kung bakit kayo umiiyak. Ang dami-daming mga kaek-ekang patama ang sinasabi niyo samin eh!

Girl: Bakit natatamaan kayo?

Boy: Oo, nasaktan namin kayo. Aaminin namin yon pero sobra sobra na yata yang mga salitang tinatapon niyo! Yong kahit hindi na namin ginawa, nagmumukhang yon nga ang ginawa namin kasi sinong paniniwalaan ng mga tao? Siyempre kayo! 

Girl: Nasasaktan kami sana alam niyo yon. 

Boy: Ayan. Minsan hindi namin kayo maintindihan sa pabago-bago niyo ng mood. Real quick eh no? Yong kani-kanina lang para kayong linta kung makadikit tapos maya-maya di na namamansin! Ano bang sumasapi sainyo at ganyan ugali niyo?

Girl: Ganon? Ang ibig sabihin non makiramdam naman kayo! Ayaw naming sabihin kasi ayaw naming masira relasyon nato. Nagtatampo kami. Nasasaktan kami! I hope you know that!

Boy: Pano namin malalaman kung hindi niyo sinasabi? Hindi naman kami manghuhula para malaman kung anuman yang ikinagagalit niyo! Sabihin niyo hindi yong ganito!

Girl: Ayaw naming malaman niyo kasi gusto naming maging aware kayo sa kung anong ginagawa niyo!

Boy: That is why people called it relationship! Para makita kung ano ang mali ng bawat isa at sabay yong itatama. Pero anong ginagawa niyo? You’re so good at hiding your feelings.

Girl: And you boys are so good at faking feelings!

Boy: Akala niyo ba hindi kami nasasaktan? Nasasaktan din kami every time we see those smiles of yours after a few days of our break-up. Laging pumapasok sa utak namin ang mga tanong na “Okay na kaya siya?” “Siguro nakahanap na siya ng iba?” “Ako pa kaya mahal niya?” “Pano kung balikan ko kaya siya?”

Girl: Takte naman oh! You said it yourself! We are good at hiding our feelings na kahit nasasaktan na kami kaya naming itago yon! Kahit masakit na masakit na! We will do it just to show you that we are strong! That we are not the person whom you thought will chase you after you guys betrayed and toy us! At saka tigilan niyo kami ng mga kasinungalingan niyo, kung gusto niyo kaming balikan bakit di niyo ginagawa?

Boy: Dahil hindi lahat ng lalaki tulad ng inaakala niyong manloloko. We are afraid that we might hurt you again. At ayon ang ayaw na naming mangyari.

Girl: Bakit sa tingin niyo ba hindi kami nasasaktan sa pagbitiw niyo? Takte, sobrang sakit. Hindi naman kasi kami katulad niyong mga lalaki na dadaanin lang sa pag-inom ang lahat pagkatapos tapos na. Sana. Sana magawa namin yon.

Boy: Bakit? Akala niyo ba hanggang ganon lang yon? Nasasaktan din kami. Doble pa sa sakit na nararamdaman niyo. Dagdag mo pa lahat ng pasa at alak na naiinom namin.

Girl: We are hurting both physically and emotionally just so you know.

Boy: WE ARE AWARE OF THAT MERE FACT! Kaya nga doble pa sa sakit na nararamdaman niyo ang nararamdaman namin kasi ang hirap umiyak na hindi ipinapaalam sa ibang tao! Gustuhin man naming magpakawala ng balde-baldeng luha hindi namin magawa kasi iba ang impresyon ng mga tao saming mga lalaki! Doble ang sakit na nararamdaman namin cause son of a bitch! We were aware that we are hurting the one we loved so much. Pasensya kung nasasaktan namin kayo. If only you know, it hurts me to see you hurting because of a stupid guy like me. It kills me. 

Girl: (naiiyak) Hindi ko alam na sobra kang nasasaktan. Na sinasaktan din kita. Hindi ko alam. And I am so sorry for that.

Boy: You don’t need to say sorry, I should be the one asking that on you. I’m sorry. I deserved this. Maybe “karma” is hitting me hardly now.

Girl: (still crying)

Boy: Sorry if I made you suffer like this. Sorry for all the pain and the scars I left you. I’m sorry because you spent all the night crying on your bed hugging your pillow. I am supposed to be the one comforting you but how could I when all I do is to make you wonder why I keep on hurting you. I am sorry for stealing all the moments that you should be spending with the people who truly love and cherish you, not on me. 

Girl: Why are you doing this to me? It hurts me even more knowing you are sorry.

Boy: (Smile) Thank you for loving this imprudent guy. I am blessed that I still had given the chance to meet a girl like you. From now on, you don’t need to stay awake late at night thinking about me. You don’t need to be chocked up. You are free now, breathe. Come out and find someone who will appreciate your worth and will love you unconditionally. You deserve to be happy. Maybe, this is really now the goodbye. Thank you Mia, I loved and love you. I hope you know it. Take care and goodbye.

HEAR MY SIDE

GIRLS

The day he left, I felt like my whole world just stopped circling. My mind, my body so did my heart… I don’t know if it even still functions normally. I’m not my own self anymore. I can’t eat and I can’t even move. I’m alive, yet I’m barely breathing. I feel like I just wanna lay down on bed the whole day, listening to music then I’ll just find myself sleeping with tears slowly rolling down through my cheek. I feel like every lyrics of a song is dedicated to me. It all bounces back until then all of the memories that I’m trying to disremember are starting to come back one at a time. It seems like I’m enduring this unending and unbearable pain.

I’m trying to get over everything. The hurt, the pain, the wounds…  All of those nightmares that you brought unto me, yet I found it futile since if the heart isn’t parallel to what your mind wants to heal, you won’t recuperate. Trying hard is pointless if you’re still living with all the hatred and curse within yourself. Honestly, every girl dreams of waking up like nothing happens at night, as if tears never poured down, as if we are not affected, as if they never hurt nor cheated on us. Every girl hopes that when they get hurt, the pain will eventually vanish away. That it will just fade out on its own. We are desperately hoping for that.

Boys, you can’t expect us to be fine. Not today, not easily. But when we do, expect that we will never be the girls you’ve fooled before. We are now the new us. The better one.

BOYS

Why did I hurt her? What have I done wrong that I made her so miserable?
The day you completely went away, it felt like I was almost dying. Every day, I can sense the wine flowing down my throat and the pain brought on my fists by every single punch on the wall. It kills me to know you’re hurting because of me and it hurts me to see you this way. I want to approach you, comfort or even stop the pain you are feeling right now yet I can’t do it because my appearance  seems to irritate you. It just makes you remember all of those nightmares. I am sorry for causing you lots of troubles.

I am also hurting just so you know. Every waking up feels like another challenge for me because I don’t know how should I start my day. I guess, I am the most stupid guy and the only one who has the guts to hurt the only person that ever loved me so much. But what else can I do? I’ve already hurt you. You know I’ve fight for you so many times yet you already let go. I can’t do anything but accept that it’s all over now. Nothing will change anymore.

Girls, we accept that we are totally a coward. But if only you know, we are sincerely regretting everything that we’ve done. Leave every blame on us but be open-minded and think that it’s not only you who has the right to have outbursts because of anger. We also have the right to hate and question you. The only thing that we hope after everything that has happened is your forgiveness. Hate us as much as you want but please, forgive us. It’s not for our own good but for the betterment of the both of us. In this case, we can start a brand new life.

SHE IS STRONG

I am proud of her. She is a person who’s physically weak but I know she is strong. I guess, she’s failing because that’s what people see and think about her. Weak. Cry-baby. Emotional. Easy to give up. What more? What other nega  ve features that can still describe her?

I know she’s strong on her own way. She’s strong in a way that she can cover up every negative things that people says about her. She’s strong though she’s toughly dying.

SHE. She is a funny girl yet so sensitive. She doesn’t easily get tired and never have any complaint. She is generous even though some  mes she was being deceit. She’s helpful, sweet, caring and friendly. There are lot of positive and appealing character that could describe her yet no one can appreciate it. I am proud of her cause even though she’s totally hurt, she can still bear the pain. She can still forgive though she was wrecked and fooled. And when she forgives, she forgets. She is an expert when it comes to hiding feelings. Though floods of tears have gone through her eyes at night, she can still wake up with a curve on her lips like nothing has happened.
She has tons of friends whom she treats nicely yet when she needs someone to lean on, nobody was there to comfort her. Nobody knows what she feels. No one can hear her. No one knows because no one dares to ask. It feels like when she needs someone to be there for her, all of those friends become strangers.

HULI NA II

BAKA SAKALI

I know that in all those decisions that I made, I now chose the right choice.

I am happy now that I can call him mine and me as his own. I am happy that we’re now on this point where I will no longer wait, I will no longer be tired nor feel any pain and hurt. I know that this man in front of me loves me so much. So much that I can’t hurt him anymore. It feels so nice that I know he’s just right there waiting for me. 

While I am walking on this long red aisle, I can see that all those people are waiting for this moment to come. I can see tons of friends, known and unknown people. They are all here. But because of the gratefulness and blissfulness that my heart feels right now, my eyes can also sense that masses of tears are slowly rolling down. As I lift my head, I saw all the heaviness of the past in him. I am here and he is right there. 

These tears are spontaneously pouring down and I can’t stop it from falling. It just keeps on coming out and I can’t stop it no matter how hard I tried. I really want this day to end immediately but the measures of the steps of my feet are slowly and purposely shortening. Hoping that before I reached the end, he will drag me towards him and will not let this day happen. My heart is hoping that he have chosen me from this moment on. Yet, all of my “baka sakali” will never happen anymore because I am now at this very end holding the hand of the man who catches me and wholeheartedly embraces me when I was once lost. And I come to realize that it was much painful that before you fall, you already have an idea how dangerous it is to fall in there. 

HULI NA

     Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa mga oras na’to. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong maramdaman. Gusto kong maging masaya pero kahit anong pilit ko ay hindi kayang sumabay ng mga labi ko. Masyadong mabigat ang nasa loob-loob ko. Gusto kong kumawala. Gusto kong sumigaw. Pero anong magagawa ko? Wala na! Dahil nung mga panahong malaya pa akong pumili wala akong ginawa. 
  Mas pinili kong kunin ang papel na pera kaysa  sa barya.

  Mas pinili kong sumakay kaysa maglakad.

  Mas pinili kong daanan ang maikling kalsada kaysa sa mahaba.

  Pinili kong iba ang piliin  sa pag-aakalang

  Ang pinili ko ang siyang saki’y  magpapasaya.

  Hindi ko nakita ang halaga ng isa.

  Nabulag  ako. Nabulag ako at hindi man lang namalayan

  Na unti-unti na siyang nawawala.

     Ang nagsilbing unan at panyo ko sa mga panahong iba ang hinahanap ko. Ang malalambot niyang kamay na siyang dumadampi sa aking mukha at walang alinlangang pinupunas ang walang tigil na pag-agos ng mga luha sa malulumbay kong mata. Ang taong hindi ako iniwan kahit paulit-ulit ko siyang ipagtabuyan. Naging makasarili ako na hindi ko man lang siya nabigyan ng panahon. Hindi ko nakita ang halaga niya nang mga panahong andiyan pa siya.

     Ang tanga ko. Pareho kong nawala ang dalawang taong naging mahalaga sa akin. Isang taong lubusan kong minahal pero niloko lang ako at isang taong tanga na minamahal ako kahit nagmamahal ako ng iba. Nakakatawang isipin na hindi ko man lang kayang diktahan ang tadhana. Pilit niya akong pinaglalaruan. Magmamahal ako at masasaktan. May nagmamahal sakin na patuloy kong nasasaktan.

     Pilit na bumabalik sa isip ko ang isang alaala na kahit paulit-ulit kong subukang burahin ay hindi na mabubura. Isa na siyang marka na magpapaalala sa akin kung gaano ako naging tanga. Andon ka ng mga panahong iyon, nakatayo habang pinagmamasdan akong mahigpit na yakap-yakap ang taong matagal kong hinintay na bumalik. Ang taong halos siya na ang nagpaikot ng mundo ko. Andon ka ng mga panahong tinanggap ko siya at tinanggap niya ulit ako. Nasaksihan mo ang inaasahang katapusan ng istoryang gusto ko. Alam ko andon ka pero pasensya kung hindi kita nakita.

     Nang bumalik siya sa akin alam ko masaya ako. Walang araw na hindi ako naging masaya dahil sa kanya, pero bakit parang nararamdaman ko na parang may kulang?  Tumingala ako sa kalangitan. Sa pagpikit ko ay unti-unti kong nararamdaman ang pagpatak ng mga luhang umaagos galing sa aking mga mata saka ko nasabing “Bumalik nga siya, nawala ka naman.” Hindi ko alam, siguro sobrang nami-miss ko lang ang bestfriend ko kaya ako nagkakaganito. 

     Binalita ko pa nga saiyo ang mga nangyari sa amin pero hindi ka nagsalita bagkus tinalikuran mo ako. Tinanong kita kung okay ka lang pero hindi ka pa rin sumasagot. Nagtataka na ako sa kung anong nangyayari sayo pero binalewala ko yon kaya nama’y patuloy kitang kinulit. Nabigla ako nang humarap ka sa akin. Sinalubong ako ng sampal mo pero mas nabigla ako nang patuloy mong pinakawalan ang pagtulo ng luha sa mata mo.

     “Hindi ko siya kayang tanggapin dahil sayo! Hindi ko kayang magmahal ng iba ng dahil sayo. Pinipilit ko naman pero hindi ko talaga kaya! Ba’t ako lumalayo? Kasi hindi ko kayang pagmasdan yang mga ngiti mo dahil sa bumalik na siya sayo. Ang taong paulit-ulit kang sinasaktan. Ang taong unti-unti kang pinapatay. Ang taong mahal na mahal mo. Hindi ko kayang pagmasdan ang lahat ng yon, kaya ako lumalayo! Pero bakit ka ganyan? Ako na’tong lumalayo pero ikaw, lapit ka pa rin ng lapit. Please lang, huwag mo na akong patayin. Huwag mo na ulit akong patayin!”

     Pagkatapos kong marinig ang lahat ng yon, biglang bumigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin pero namamalayan ko na lamang ang sarili kong niyayakap ko na siya. “Please lang, huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya.” “Kung papipiliin ba kita saming dalaw—“ “Mahal ko siya bes, alam mo yan.”

Nakakatawang isipin na andito ako ngayon, nasasaktan. Pinagbabayaran ang lahat ng sakit na idinulot ko sayo. Andito ako ngayon naghahangad, nagbabakasakaling magbago ang isip mo. Baka tumakbo ka palayo at hanapin mo ako. Andito ako ngayon nakatayo, pinagmamasdan kang naglalakad habang naluluha sa tuwa. Hindi ko maiwasang di mapayuko. Andito ako ngayon tutunghayan ang pinakamasayang araw ng buhay mo. Andito ako ngayon pakikinggan kang sasabihin mo ang salitang “I DO.” Andito ako ngayon humihiling na sana kayang maibalik ang nakaraan. Andito ako at andiyan ka. 

Gusto kong pigilin ka. Gusto kong sabihin sayo na pinipili kita. Gusto kong maibalik ang panahong ako pa lang ang mahal mo pero hindi ko na yon magagawa dahil “ BES, HULI NA.”